Monday, September 28, 2009

Climate change

Last weekend after ng work paglabas ko sa office napansin ko kagad na makulimlim ang kalangitan, nagpasalamat kagad ako dahil hindi mainit at makakapag pahinga ako sa bahay at masarap matulog, kaya pag uwi ko kumain then alaga sa mga kids at the same time tulog pag nakakatulog sila malakas na ang ulan nun walang tigil tuwang tuwa pa ko kasi ang lamig then around 2pm in the afternoon ginising ako ni mia wala na kasing gatas si mikel kailangan ko na dawbumili, kaya bumangon kagad ako kuha ng payong para pumunta sa isang malapit na grocery store para bumili, pag labas ko ng gate talagang malakas ang ulan nung pababa na ko ng kanto napansin ko na parang may kakaiba, nung makalapit ako nagulat ako dahil ang taas ng baha, eh hindi naman bahain yung lugar na yun, kaya humanap ako ng ibang way, pero kahit saan ako pumunta baha, bumalik ako ng bahay at sinaba kay mia kahit saan baha paralyze lahat ng transpo kaya sabi ko punta na lang ako ng sm lalakarin ko na lang pero pag labas papunta dun nagulat ako dahil baha din, ano ba to lahat baha para akong nasa isang isla na napapalibutan ng tubig wala akong magawa pano to wala ng gatas si Michael naalala ko na may drug store nga pala malapit din samin, south star yun na lang last option ko kaya punta kagad ako nagdadasal na sana meron dahil pag wala malaking problema, naglakad kagad ako sobra talagang lakas ng ulan ang daming naglalakad at nakikita ko na ang mga sasakyan ay kung saan saan nagsusuot tila hindi mapakali na naghahanap ng lalabasan dun ko na lang narealize na kakaiba tong bagyong to kinabahan kagad ako at naguilty sa mga pinagsasabi ko, sa wakas nakarating ako sa drug store at awa ng dios meron silang stock binili ko kagad yun at agad umuwi kniwento ko kay mia ang nangyari sa labas at binuksan agad ang t.v. dun ko na lang talaga naintindihan lahat ng makita ko sa news ang mga nangyayari sobra kong naawa sa mga nasaksihan ko, napakaswerte ko at wala kami sa ganung sitwasyon nakakaawa lalo na ang mga bata, hindi ko siguro kakayanin makita ko sa mga anak ko yung nangyayari sa kanila… sana lang makarecover sila at mapalitan ng kaginhawaan lahat ng paghihirap na nangyayari sa kanila ngayon.

0 comments: